Buhay na natagpuan ang isang South Korean hiker na mahigit isang linggo nang pinaghahanap sa Mountain Province.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang 53-anyos na si Sung Kyu Choi sa isang masukal na gubat sa Barangay Latang sa bayan ng Barlig pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon.
Ang nasabing dayuhan ay huling nakausap ng mga awtoridad sa cellphone noong June 13 at tanging ang nasabi lamang nito ay nasa isang mapunong lugar siya.
Ayon kay Jonas Chumacog, empleyado ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Bontoc, Mountain Province matapos malapatan ng lunas ang hinang-hinang South Korean ay kaagad itong dinala sa Korean Embassy.
By Judith Larino
Nawawalang South Korean hiker sa Mountain Province nailigtas was last modified: June 21st, 2017 by DWIZ 882