Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal ng NPF o Nayong Pilipino Foundation.
Nag-ugat ito sa di umano’y pag-apruba ng board sa kasunduang ipa upa sa lupain ng Nayong Pilipino sa halagang talo ang pamahalaan.
Tinukoy ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mahigit sa 9 na ektaryang lupain ng NPF na ipinarenta sa Landing International Development Limited ng Hongkong sa loob ng 70 taon.
Ang pagsibak sa mga opisyal ng Nayong Pilipino ay inihayag ng Malacañang kasabay ng pagpapasinaya sa isa at kalahating bilyong dolyar na theme park ng Landing International at Nayong Pilipino Foundation.
Ayon kay Patricia Ocampo, chairperson ng NPF, isusulong ng landing pamanang kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang theme park.
Nakapaloob sa isa at kalahating bilyong pisong investment ang Nayong Pilipno Theme Park, convention center, hotel, mga tanggapan, at commercial facilities.
—-