Ang Nayong Pilipino Property sa Parañaque City ang magsisilbing unang malaking venue ng gobyerno o vaccination site para mapabilis ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nang nilagdaang kasunduan nina vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Department of Tourism (DOT) para magamit ang Nayong Pilipino Property para sa pagbabakuna.
Bukod dito, ipinabatid ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa pribadong sektor para sa posibleng paggamit ng iba pang malalaking venue bilang vaccination sites.
Para maabot ang target na 4-milyong Pilipinong dapat mabakunahan kada buwan, una nang inihayag ni Galvez ang plano ng gobyerno na gamitin ang mga stadium at coliseum bilang mega vaccination sites kung saan pwede mabakunahan kada araw ang 10,000 katao.