Nakatakdang idepensa ni Golden State Warriors guard Klay Thompson ang kampeonato sa NBA 3-point contest na parte ng All-Star Weekend sa New Orleans na gaganapin sa February 18.
Ang 8-player event ay dadaluhan din nina Aaron Gordon ng Orlando Magic na makakalaban sina DeAndre Jordan ng Los Angeles Clippers, Derrick Jones ng Phoenix Suns at Glenn Robinson ng Indiana Pacers para sa Slam Dunk competition.
Bagamat nakatanggap ng imbitasyon, hindi naman makakasali si Minnesota Timberwolves guard Zach LaVine sa kumpetisyon gayundin ang 2-time MVP player na si Stephen Curry.
Ang 8 manlalaro ay magpapakitang gilas sa dribbling, passing, agility at three-point shooting prowess.