Nilampaso ng koponan ni Lebron James ang team ni Stephen Curry sa all-star game ng NBA sa iskor na 148–145.
Hindi katulad ng nakasanayang mga all-star games, dikit ang laban at seryoso ang mga player sa laro.
May pagkakataon pa sana ang team Stephen pero isang matinding depensa ang inilatag ng team Lebron sa huling dalawampung (20) segundo ng laro para maitakas ang panalo.
Umiskor si James ng 29 points at 10 rebounds para tanghaling most valuable player ng all-star game.
Ito na ang ikatlong MVP trophy ng Cleveland Cavalier superstar sa all-star classic ng liga.
—-