Pinutol na ng Los Angeles Lakers ang winning streak ng Detroit Pistons.
Ito’y makaraang ilampaso ng LA ang Detroit sa score na 113-93, sa kanilang paghaharap sa homecourt ng Lakers sa Staples Center Arena, California, kahapon.
Nagpakawala ng 17 points ang benchplayer na si Julius Randle upang i-angat ang Lakers habang kapwa nag-ambag ng 18 points sina Reggie Jackson at Tobias Harris subalit hindi ito naging sapat upang makabangon ang Pistons.
Sa kabila nito, nananatili sa 5th Spot sa Eastern Conference Division ang Pistons sa kartadang 5-3 habang nasa bottom 7 o 11th spot ang Los Angeles sa standing na 3-4.
Samantala, para naman sa ibang game, wagi ang Phoenix Suns kontra Brooklyn Nets sa score na 122-114; tinambakan ng Oklahoma City Thunders ang Milwaukee Bucks sa score na 110-91 habang pinataob ng Indiana Pacers ang Sacramento Kings sa score na 101-83.
—-