Pumanaw na sa edad na 88 ang 11-time National Basketball Association (NBA) champion at Boston Celtics Legend na si Bill Russell.
Nagulat ang NBA fans sa pagpanaw ng isa sa mga ‘World’s Greatest Winners’ at kauna-unahang black player-coach ng liga.
Mababatid na si Russell ay naging superstar noong 1950’s at 60’s, hindi sa mga matataas na scoring plays kundi dahil sa pagdomina nito sa rebounding at matinding defensive play sa kaniyahng mga laro.
Samanatala, bukod sa 11 NBA title, si Russell din ay isang five-time Most Valuable Player (MVP), 12-time All-Star, at sa loob ng 13 taon nito sa liga ay humakot ng 21,620 rebounds, kung saan ang average niya ay 22.5 rebounds kada laro.