Pumanaw na ang NBA legend at hall of famer na si Moses Malone sa edad na 60.
Bagaman hindi pa makumpirma ang sanhi ng kamatayan, sinasabing binawian ng buhay si Malone habang natutulog sa isang hotel sa Norfolk, Virginia sa Estados Unidos.
Nasa Virginia ang 12-time NBA all star para maglaro sa isang golf tournament.
Sa loob ng 20 season sa NBA ay naglaro ang tinaguriang “Chairman of the Boards” sa walong team kabilang ang Philadelphia 76ers na nagkampyon noong 1983.
Taong 1995 nang magretiro naman ang 6 foot 10 center at forward sa San Antonio Spurs.
By Drew Nacino