Inihayag ng National Basketball Association (NBA) na mas maghihigpit na sila sa kanilang mga panuntunan pagdating sa mga manlalaro.
Ipagbabawal na ang pagsuot ng tinted glasses at pagbaligtad ng mga headband maging ang paglalagay ng logo sa kanilang mga buhok kung saan, maaari lamang itong ilagay sa kanilang mga sapatos.
Layunin ng NBA na mapaigting ang pagdidisiplina sa mga manlalaro. —sa panulat ni Angelica Doctolero