Isasalang na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang lahat ng mga NBA players, at mga NBA staffs kada isang araw.
Ito ay kaugnay ng muling pagbabalik ng NBA season sa darating na Hulyo 30 kung saan uumpisahang isailalim sa COVID-19 tests ang mga nba players at staff simula sa Hunyo 23.
Sa abiso ng NBA, binigyang diin nito na dapat sumailalim ang mga manlalaro at iba pang mga essential staffs ng nba sa isang rapid test kada isang araw upang matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19.
Matatandaang, nasa 22 koponan ang maglalaban laban para sa NBA playoffs sa Hulyo 30 matapos na pansamantalang suspendihin ang laro ng NBA noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.