Babawasan na ng National Basketball Association ang sweldo ng mga NBA players na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng naging agreement sa pagitan ng mga opisyal ng NBA at mga manlalaro kung saan, aabot sa 1.91% ang ibabawas sa kanilang salary.
Bukod pa dito, aalisin din ang Luxury Tax Relief dahil sa mga nba players na ayaw umanong magpaturok ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Samantala, isasailalim naman sa mandatory 7 days quarantine ang mga unvaccinated players na close contact sa taong nagpositibo habang aalisin naman sa NBA ang mga manlalarong magpopositibo.
Sa ngayon, ang New York at San Francisco pa lamang ang may mandatory sa pagpapabakuna sa mga manlalaro. —sa panulat ni Angelica Doctolero