Nagpaabot ng panalangin at pag-alala si Los Angeles Lakers Guard Jordan Clarkson sa mga kababayang Pinoy.
Sa kaniyang Twitter account, nag-post si Clarkson ng isang larawan kung saan, may mensahe ito na nagpapahayag ng pag-aalala sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Lando.
Makailang beses nang nakapasyal sa Pilipinas ang Fil-Am na manlalaro ng NBA at nagpahayag din ito ng kaniyang pagnanais na makapaglaro sa national team na Gilas Pilipinas.
By Jaymark Dagala