Tiwala sa sarili, ibayong pag-eensayo at pagkakaroon ng mithiin para sa bansa
Ito ang ilan sa mga binitiwang payo ng tinaguriang Black Mamba ng basketball court na si Kobe Bryant para sa Philippine Basketball Team na Gilas Pilipinas
Sa kaniyang ika-5 beses na pagbisita sa Pilipinas, binigyang diin ng retired NBA Superstar na mahalaga rin ang pagtukoy sa kahinaan ng koponan upang maging daan para matukoy ang kanilang lakas
Nasa bansa si Bryant bilang bahagi ng kaniyang Mamba Mentality Tour na naglalayong palakasin ang loob ng mga kabataan at hikayatin silang pasukin ang mundo ng palakasan
By: Jaymark Dagala