Walang pinagsisisihan si NBA Star Kyrie Irving sa paglipat nito sa Boston Celtics.
Sa kabila ng pagkukumahok ng mga koponan na bumuo ng super teams ay nagdesisyon si Irving na umalis sa Cleveland Cavaliers at iwanan ang kanyang teammate na si Lebron James.
Sinabi ni Irving na nais niya ng espasyo kung saan ay may matututunan siya sa araw – araw kung saan ay kanyang maibubuhos ang buo niyang kakayahan.
Binigyang – diin nito na hindi naman siya nababahala kung siya man ay hindi magtagumpay sa pinili niyang landas.