Umani ng papuri ang center ng Miami Heat na si Bam Adebayo dahil sa pagsagot ng isang phone call habang nakikipag-usap sa press matapos ma-eliminate ang New York Knicks.
Sino nga ba ang tumawag sa atleta?
Alamin.
Sa isang video, makikita ang professional basketball player na si Bam Adebayo na nasa kalagitnaan ng presscon at sumasagot sa tanong ng interviewers.
Ngunit bigla na lamang napatigil sa pagsasalita si Adebayo dahil sa pagva-vibrate ng kaniyang cellphone at humingi ng ilang sandali sa press.
Dinampot niya ang kaniyang cellphone na nakataob sa ibabaw ng mesa para tingnan kung sino ang tumatawag, at nang malaman kung sino ito ay walang pag-aalinlangan niyang sinagot at panandaliang hininto ang presscon.
Napag-alaman kung sino ang tumawag sa kaniya nang bumati ito ng ‘hi, mommy’ sa kausap at sinabi rito na kasalukuyan siyang nasa media.
Maririnig at makikita sa atleta na kalmado at puno pa rin ito ng respeto habang kinakausap ang kaniyang nanay kahit pa biglaan itong tumawag habang nasa gitna siya ng trabaho.
Sandaling nag-usap ang dalawa at humingi pa ng sorry ang basketball player sa press bago muling pinagpatuloy ang pagsagot sa tinanong ng mga ito.
Umani si adebayo ng magagandang komento mula sa netizens at sumaludo sa pagiging mabuti niyang anak dahil marespeto siya sa kaniyang nanay at tinawag pa na magandang impluwensya sa mga kabataan.
Ikaw, anong masasabi mo sa gesture na ito ng atleta?