Bibisita sa pangalawang pagkakataon ang NBA star na si Paul George sa darating na araw ng Linggo.
Ito’y para magsagawa ng documentary para sa sikat na sports brand gayundin ang magturo sa mga kabataang nais makapaglaro ng basketball.
Ngunit bago ang nakatakdang pagbisita sa bansa, daraan muna ang Indiana Pacers forward sa China.
Sa Agosto naman tutulak sa China ang NBA MVP na si Lebron James bilang isang brand ambassador ng sikat na sports brand.
By Jaymark Dagala