Dalawang linggong hindi makakapaglaro si NBA Star Stephen Curry dahil sa injury sa balikat.
Natamo ng 34-anyos na si Curry ang kaniyang left shoulder injury noong December 14 nang talunin sila ng Indiana Pacers.
Mula noon ay hindi pa nakakapaglaro sa apat na game si Curry.
Samantala, ayon sa koponan patuloy na nagpapagaling ang NBA Star at agad na babalik kapag tuluyan nang gumaling.