Nais ng mga NBA superstars na sina James Harden at Lebron James na maging bahagi ng koponan ng Estados Unidos na sasabak sa 2020 Olympics sa Tokyo.
Bukod kina James at Harden, interesado rin si Russell Westbrook na maging kinatawan ng US team.
Magugunitang hindi nakalaro ang mga pinakamahuhusay sa NBA sa katatapos na FIBA World Cup dahilan upang malaglag sa ikapitong puwesto ang koponan ng Amerika.