Naghihintay na ang mga koponan ng National Basketball Association (NBA) sa ilalabas na guidelines o panuntunan nito para makapagsimula nang mag-ensayo ang mga manlalaro nito.
Batay sa mga report, inaasahan sa mga susunod na araw ay ilalabas na ni NBA Commissioner Adam Silver, ang mga ipatutupad na bagong panuntunan sa unti-unting pagbabalik ng mga laro sa ginta ng COVID-19 crisis.
Kabilang na rito ang “two-week recall” of players, kung saan dapat sumailalim sa quarantine ang lahat ng manlalaro oras na dumating na ang mga ito sa pagdarausan ng laro.
Kasunod nito, magsasagawa rin ang mga manlalaro ng nasa dalawang linggong individual workouts na gaganapin sa kanilang mga practice facility at tatlong linggo pa sa training camp nito.
Samantala, umaasa naman ang mga koponan ng nba na matatapos na ang krisis dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic para makapaglaro na ang mga ito sa mga susunod na buwan.