Kasabay ng kanyang ika-42 kaarawan nitong Marso 20 ay inanunsyo ni NBA veteran Jamal Crawford ang kanyang pagreretiro.
Kilala sa kanyang pamatay na shooting at ball handling, si Crawford ay isang three-time NBA sixth man of the year.
Huling lumaro para sa Brooklyn Nets si Crawford noong 2019-2020 season ngunit matapos lang ang isang laro ay nagtamo na ng injury.
Noong 2018-2019 season naman, gumawa ng kasaysayan si Crawford bilang pinakamatandang manlalaro na nakaiskor ng 51 points sa isang laro, noong siya ay parte ng Phoenix Suns.
Sa kabuuan, naglaro si Crawford para sa siyam na koponan sa kanyang karera. Siya ay magreretiro sa NBA ng may 19,419 career points. – sa panulat ni Mara Valle