Walang ipatutupad na suspensyon ang pamunuan ng NBA kina Golden State Warriors stars Stephen Curry at Demarcus Cousins.
Kaugnay ito ng insidente sa ma tensyong laban ng Warriors at Los Angeles Lakers noong Biyernes para sa NBA pre-season.
Pumasok sa court sina Curry at Counsins habang inaawat ng referee sina Lance Stephenson ng Lakers at Quinn Cook ng Warriors na nasangkot sa hard foul.
Sa ilalim ng panuntunan ng NBA, ang mga manlalaro na aalis sa kanilang bench kapag may argumento ay dapat patawan ng one game suspension.
Subalit sinabi ng NBA na ang nangyari ay hindi naman maituturing na altercation o hindi naman nagkaroon ng mainit na pagtatalo.
Nang pumasok sa court, kaagad ding sinundan ni Warriors Assistant Jarron Collins sina Curry at Counsins at iginiya pabalik ng bench.
—-