Mayroon umanong backup group ang pangkat ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang pangunahing suspect sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, tsine-check ng nasabing grupo ang trabaho nina Sta. Isabel.
Kasama umano ni Sta. Isabel sa pagdukot kay Jee ang dalawang National Bureau of Investigation o NBI civilian asset.
Samantala, nakiusap si Dela Rosa na huwag pagsabungin ang PNP at NBI dahil pareho nilang gustong maresolba sa lalong madaling panahon ang pagpatay kay Jee.
Isa sa dalawang NBI civilian asset kinilalang driver ng isang NBI director
Dalawang NBI civilian asset ang kasama umano sa pagdukot kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, kinilala ang isa sa nasabing dalawang NBI civilian asset sa pangalang Jerry na driver umano ng isang direktor sa NBI.
Si Jerry umano ang kasama ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na nakita sa CCTV na nagwi-withdraw sa isang ATM sa San Juan.
Samantala, hindi pa matukoy ang pagkakakilalan ng isa pang kasamang NBI civilian asset.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal