Hindi nagbibigay ng listahan ng mga tanong ang National Bureau of Investigation.
Ito ang tugon mismo ni NBI Director Jaime Santiago sa hirit ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon hinggil sa pahayag nito na pagpatay laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Director Santiago, hindi nila ibibigay ang hinihingi ni Duterte na advanced questions.
Kabilang sa lamang sa aalamin ng NBI ay tungkol sa taong sinabi niyang kinontrata niya para patayin ang pangulo kung magtagumpay ang isang plano laban sa kanya, gayundin ang banta sa sinasabi sa kanyang buhay.
Nakatakdang humarap si Duterte sa NBI noong Nobyembre 29 upang bigyang linaw ang kanyang pahayag na nagbigay na siya ng utos na ipapatay sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung siya mismo ang mapatay.