Iginiit ng National Bureau of Investigation na may mga batayan ang kanilang pagsasampa ng kasong ‘inciting to sedition’ at ‘grave threats’ kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, binusisi ng limang abogado at isang dating hukom ang online press conference kung saan pinagbantaan ni VP Sara ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ni Director Santiago na ang mga inirekomendang kaso laban sa Bise Presidente ay may suporta rin ng iba’t ibang jurisprudence o mga naunang hatol ng mga hukuman.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng NBI Director na walang halong pulitika ang kanilang desisyon dahil nakabase ito sa mga detalyeng kanilang nakalap.
Mananatili aniyang apolitical ang ahensya at nilinaw na hindi nila pinakasuhan si VP Duterte dahil siya ang pangalawang pangulo kundi dahil may ginawa itong maaaring labag sa batas. – Sa panulat ni John Riz Calata