Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang anim na ospital sa Nueva Ecija na ‘di umano’y tumangging tanggapin ang isang matanda na hinihinalang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Matatandaan na nasawi sa kanilang tahanan sa Cabanatuan City ang matandang pasyente matapos na hindi tanggapin sa ospital at napag-alamang nailibing na kahapon.
May asthma umano ang pasyente at hirap itong huminga nang itakbo sa ospital subalit hindi naman napatunayang positibo ito sa coronavirus.
Matatandaan na nabanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte ang matandang pasyente sa kanyang speech noong Lunes ng gabi at nangako ito na papanagutin ang mga ospital na tumanggi sa matanda.