Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na magsagawa muli ng DNA Test sa labing natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija na sinasabing labi ng nawawalang si Reynaldo Kulot de Guzman.
Kasunod na rin ito ng DNA test na isinagawa ng PNP kung saan hindi nagtugma ang vocal swabbing ng mga magulang ni Kulot sa sample na kinuha mula sa labi.
Gayunman sinabi ni Aguirre na kapag hindi nagtugma ang test ng NBI sa labi at mga magulang ni Kulot posibleng ang 14 anyos na binata pa rin ang labi dahil maaaring talagang hindi lamang match ang kanilang specimen.
Dapat pa rin aniyang bigyan ng bigat ang positibong pagkilala ng mga magulang ni Kulot na ang labi ay ang kanilang anak lalo pat hindi pa masyadon bloated at naagnas ang labi nuong itoy nakita ng mag asawa.
Binigyang diin ni Aguirre na may mga desisyon ang high tribunal na nakasalalay sa resulta ng DNA examination subalit may mga pagkakataon din na discredited ang integridad ng DNA examination kung mali ang procedure o proseso ng pagsusuri sa specimen.
SMW: RPE