Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng case build up kaugnay ng umano’y pagbebenta ng baril ng Philippine National Police (PNP) sa rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) noong 2014.
Ayon kay Aguirre, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang pagkawala ng mahigit isang libong ak-47 na baril ng PNP sa headquarters nito at kalauna’y natuklasang ibenenta sa mga miyembro ng NPA sa Mindanao.
Dagdag ni Aguirre, tututok ang imbestigasyon sa pagpapanagot sa mga pribadong indibidwal na may kinalaman sa pagbebenta ng mga nasabing baril.
May kaugnayan din aniya ito sa kasong inahain noon sa Office of the Ombudsman kung saan ilang mga opisyal ng PNP at mga pribadong indibdwal ang nakitaan ng paglabag at sinampahan ng kasong graft dahil sa kontrobersiya.