Umuusad na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ilang local official ng Quezon City na sangkot sa katiwalian sa TUPAD program.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) PIO director Rolly Francia, kabilang dito ang umano’y pagbulsa ng pondo para sana sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.
Unang ibinunyag ni labor secretary Silvestre Bello III na ilang beneficiaries ang nagreklamo dahil ang natanggap na bayad sa sampung araw na pagtatrabaho, ay 1,000 hanggang 2,000 sa halip na 5,350.
Habang ang nagtrabaho ng 15 araw ay nakatanggap lamang ng 8,025.—sa panulat ni Abby Malanday