Bilang parte ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero ay binisita ng mga kawani ng National Bureau of Information (NBI) ang ilang lugar na pinagdarausan ng e-sabong ngayong kahapon.
Pinuntahan ng NBI ay dalawang venue ng Lucky 8 Star Quest Inc., na dating pagmamay-ari ni Charlie ‘Atong’ Ang, matapos na lumabas sa imbestigasyon na ilan sa mga nawawalang sabungero ay huling nakita sa venue ng Lucky 8.
Ayon kay NBI-NCR Special Investigator 3 Agent Wally Palattao, patuloy na pinag-aaralan ang mga nakikita nila na maaring isama at kapaki-pakinabang sa imbestigasyon upang malutas na ang naturang suliranin.
Sa ngayon ay patuloy na umaandar sa Senado ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero, na umakyat sa tatlumpu’t apat ang bilang. —sa panulat ni Mara Valle