Nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez na wala pang opisyal ng NBI na sinibak sa puwesto o kaya ay kinasuhan, kaugnay sa pagpupuslit ng cellphone sa loob ng NBI Detention Center.
Sinabi ni Mendez na ang mga cellphone ay naharang sa unang gate ng inspeksyon, kung saan ang nagmamando ay ang mga ahente ng NBI, at ang huling bahagi ng inspeksyon ay minamandohan naman ng mga kawani ng Bureau of Correction.
Binigyang diin ni Mendez na misquoted lang si Justice Secretary Leila de Lima, at wala pang hakbang laban sa mga sinasabing opisyal dahil kailangan tiyaking dadaan ito sa due process.
“Nakakagulat naman kung sasabihin na mga NBI pa ang maglalagay ng mga cellphone na yan, chineck ko kay Secretary, na misquoted lang naman daw siya, hindi naman daw niya tinanggal o inalis o nasibak because they are still in the process of investigating, hindi naman puwedeng na kung ano lang ang sasabihin ng mga convicted drug lords ay paniwalaan natin agad, dahil ano na lang ang mangyayari sa atin dito?” Pahayag ni Mendez.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit