Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) na tauhan nila ang isa sa tatlong inaresto sa kasong extortion sa Quezon City.
Ayon kay NBI Asst. Regional Dir. Vicente De Guzman, hindi nakita sa roster ng active NBI employees ang pangalan ng suspek na si Victor Lee.
Nagpalabas din ng certification ang NBI Personnel Division matapos ang pagkaka-aresto ni Lee na nagpakilalang personnel ng ahensya sa isang negosyanteng si Rene Orense na tinangka nilang kikilan ng P100,000.
Si Lee, kasama sina Timothy James Cabahiya na isa umanong t.v stringer at Rudy Zamora, assistant cameraman, ay inaresto sa isang entrapment operation sa isang mall.
By Aya Yupangco / Drew Nacino