Kinasuhan ng NBI o National Bureau of Investigation sa Dept. Of Justice si Senador Leila de Lima kasama ang 18 iba pa.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay De Lima at kasamahan nito ay paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002, qualified bribery, paglabag sa presidential decree 46 o batas na nagsasabing, tatanggap ng parusa ang mga public officials at employees na tumanggap at para naman sa mga pribadong tao na magbigay ng regalo sa kahit anong okasyon at paglabag sa ra 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials and employees.
Maliban kay De Lima, kasama sa mga kinasuhan ng NBI ang ilang dating opisyal ng Bureau of Corrections.
Ang kaso ay nakabatay sa hiwalay na imbestigasyon na isinagawa ng NBI sa di umanoy talamak na drug operations sa New Bilibid Prison.
By: Len Aguirre