Ipapakalat ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga campaign rally at campaign sorties, para labanan ang vote buying o pamimili ng boto ngayong panahon ng kampanya.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, hiniling na niya sa pamunuan ng NBI na pakilusin ang kanilang field at regional offices na lumabas, at makihalubilo sa mga tao para mahuli ang mga gumagawa ng vote-buying.
Nabatid na magtutulungan ang lahat ng mga ahensiyang nasa ilalim ng DOJ, upang maging epektibo ang kampanya laban sa vote-buying.
Samantala, naniniwala ang kalihim na kapag may nasampolan na mahuli lulan ng vote-buying, ay matatakot na ang mga nagbabalak mamili ng boto o kaya naman ay ang mga mamimigay ng pera para iboto ang kanilang mga kandidato. – sa panulat ni Mara Valle