May nakita nang lead ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero sa bansa.
Pero ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, wala pang ibang impormasyong ibinibigay ang NBI hinggil dito.
Naniniwala naman si Guevarra na malapit nang maglabas ng resulta ang Philippine National Police (PNP) at ang NBI sa ginagawang parallel investigation sa kaso.
Una nang dumulog sa mga otoridad ang pamilya ng mga biktima matapos maglaho ang kanilang kamag-anak. —sa panulat ni Abby Malanday