Pirma na lamang ni Pangulong Noynoy Aquino ang hinihintay para maging ganap na batas ang modernisasyon ng National Bureau of Investigation o NBI.
Nabatid na nai-transmit na sa Office of the President ang NBI Modernization Bill noong Hunyo 16.
Sa ilalim ng proposed NBI Reorganization and Modernization Act, inaasahang magkakaroon ng modernong pasilidad at intelligence devices, pagtatayo ng karagdagang forensic at scientific laboratories at mabibigyan din ng training ang mga personnel ng NBI.
Inaasahang malalagdaaan ng Pangulong Aquino ang NBI Modernization Bill bago matapos ang termino nito sa June 30
By: Meann Tanbio