Ilalarga na ng National Bureau of Investigation simula Oktubre 2 ang kanilang Multi – Purpose Clearance bilang tugon sa programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na padaliin ang pagkuha ng mga government document.
Inihayag ni NBI Deputy Director for Information and Communications Technology Service Jose Yap sa programang ‘Balita Na, Serbisyo Pa’, na maaari nang magamit ang multi-purpose clearance kahit sa anong requirements.
Sa ilalim nito, pinag-isa na ang pagkuha ng naturang clearance para sa pag-biyahe abroad, local employment, pagkuha ng firearms, business at naturalization.
Fix rate anya ang pagkuha ng nasabing clearance sa presyong 115 pesos pero makakaroon lamang ito kung online payment.
Samantala, plano naman ng ahensya na magkaroon ng NBI clearance renewal card.
SMW: RPE