Inilunsad na ng NBI o National Bureau of Investigation ang kanilang multipurpose clearance o ang pinag-isang NBI clearance na dati ay nakukuha na magkakaiba.
Sa bagong multipurpose clearance ay iisa na lamang ang kukunin at magagamit na NBI clearance para sa pagpasok sa trabaho, pangingibang bansa, pagkuha ng permit, business permit at iba pa.
Ayon kay NBI Public Information Officer Nick Suarez, ang nasabing proyekto ng ahensiya ay bahagi ng utos ng kasalukuyang administrasyon na padaliin at gawing simple ang proseso sa pagkuha ng mga dokumento sa gobyerno.
Dagdag ni Suarez, mabilis na rin makukuha ang NBI clearance sa pamamagitan ng online registration kung walang tinatawag na ‘HIT’ o kapangalan at walang kaso.
Mananatili rin ang halaga ng multipurpose clearance sa P115.00.