Nagbabala sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa paglaganap ng mga nagaalok ng trabaho online dahil pinagkakakitaan lang ng ilan sa mga ito ang mga naghahanap ng trabaho.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, mas mainam kung beberipikahin muna ng mga nag-aaplay ng trabaho kung saang kumpanya ang naturang job offerings na makikita online.
Maaari aniya nilang i-check kung naka rehistro ba ang kumpanya sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Maganda rin umano kung makakahanap ng mga testimonials o reviews mula sa ibang tao na nakaranas nang mag-aplay at matanggap sa ganung trabaho at kumpanya.