Nagdagdag ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga ahente sa Cyber Crime Division (CCD) para masolusyonan ang dumaraming reklamo at kaso ng cybercrimes.
Base sa kasunduan na nilagdaan ni Officer-In-Charge Eric B. Distor, ang isang special order sa pagtatalaga ng labing anim na ahente na nagmula sa batch 51 ng NBI academy na novus ilustrado na siyang hahawak sa mga reklamong inihain ng mga pribadong mamamayan tulad ng identity theft, online scam, phishing, cyber libel at iba pang mga paglabag na nasasaklaw ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.
Samantala, sinabi ni distor na sa tulong ng mga karagdagang ahente, inaasahang mas mabilis na maaksyunan ang nasabing mga reklamo. —sa panulat ni Kim Gomez