Nakipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation sa Christian Rights Group na Rise Up for Life and Rights na may hawak sa taxi driver na si Tomas Bagcal na hinoldap umano ng binatilyong si Carl Angelo Arnaiz, noong Agosto 18.
Ayon kay N.B.I.-NCR Chief Cesar Bacani, hiniling na nila sa grupo na makausap si Bagcal lalo’t itinuturing na susi ang magiging salaysay nito sa kaso ng pagpatay kay Arnaiz.
Susubaybayan din ng N.B.I. ang inaasahang pagharap ng tsuper sa Senado ngayong araw.
Ang magiging pagharap naman anya ni Bagcal ay “under oath” kaya’t anumang ang sasabihin nito ay maaaring gamitin sa imbestigasyon.
Ulat ni Aya Yupangco
SMW: RPE