Nakumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito sa 12 occupants ng room 2207, ang kwarto na laging binabalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera bago ito pumanaw.
Base sa ulat, sumailalim ang 12 persons of interest sa polygraph o lie detector test.
Ikukumpara naman ang kanilang mga ibinigay na kasagutan sa isinagawang lie detector test sa mga physical evidence na nakuha ng NBI, kabilang ang kuha ng CCTV o security camera footage.
Nakatakda namang magbigay ng kanyang testimonya ang ika-13 occupant ng room 2207 na taga-Tacloban City sa darating na Lunes o bukas, January 18.
Ayon sa impormasyon, pumasok rin umano sa room 2209 ang 13th POI na ito, ang hotel room na nirentahan ni Dacera at ng kanyang mga kaibigan noong ika-31 ng December.
Sakaling namang mapatunayan na totoo ang mga testimonyang ibibigay ni 13th POI, maari umano siyang irekomenda ng NBI upang gawing state witness sa kaso.