Hahawakan na ng Department of Justice ang kaso laban sa Japanese Gaming Tycoon na si Kazuo Okada na nahaharap sa 10 Million Dollar Estafa Case.
Kasunod na rin ito ng kautusan ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau Of Investigation na alamin ang nag-leak na resolusyon ni Parañaque City prosecutor Amerhassan Paudac.
Na-i-post pa ang nasabing resolusyon sa social media accounts ng isang hindi naman partido sa kaso bago ang opisyal na paglalabas nito ng korte.
Una ng hiniling sa D.O.J. Noong June 1 ng tiger resorts leisure and entertainment incorporated na may-ari at operator ng Okada Manila sa Entertainment City sa Parañaque City, na imbestigahan si Paudac sa paglabag sa rules and procedures, code of conduct for prosecutors.
Ito’y dahil sa kwestyunableng paghawak ng kaso laban sa napatalsik na dating ceo ng naturang kumpanya na si okada.
Hiniling din ng Tiger Resort kay guevarra na pigilan si Paudac sa imbestigasyon nito sa nag-leak na resolusyon sa pangambang mauwi ito sa whitewash dahil sa pagiging bias.