Pinakakasuhan na ng National Bureau of Investigation ang dalawampu’t apat na pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando espinosa Sr.
Kabilang sa pinasasamahan ng kaso si PNP-Criminal Investigation and Detection Group Region 8 head, Supt. Marvin Marcos na ni-relieve sa pwesto dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal drugs pero pinabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, pinasasampahan din ng kaso sina Chief Insp. Leo Laraga, PO3 Norman Abellanosa at Paul Olendan dahil sa kwestyonableng pagkakaroon ng search warrant.
Inihayag naman ni NBI Regional Director-8 Jerry Abierra na nasawi sa “rubout” at hindi “shootout” si Espinosa sa Leyte sub-provincial jail sa Baybay city, noong November 5 base sa resulta ng kanilang parallel investigation sa pagpatay sa alkalde at kapwa bilanggong si Raul Yap.
Hindi anya malayong may naglagay ng baril sa kamay ni Espinosa bago ipinutok dahil may material testimony na mayroong pumasok sa selda na naka-gloves na may dalang baril at paglabas wala na ang armas.
Bahagi ng pahayag nina NBI spokesman Ferdinand Lavin at NBI regional director-8 Jerry Abierra
By Drew Nacino