Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation o NBI ang pagkamatay ni Reynaldo de Guzman.
Si De Guzman ang nawawalang kasama umano ni Carl Angelo Arnaiz na napatay ng mga pulis Caloocan sa isang operasyon noong nakalipas na buwan.
Inutsan din ni Aguirre ang NBI na kasuhan ang mga nasa likod nang pagpatay kay De Guzman na nagtamo ng 30 saksak sa buong katawan nito.
Kaugnay nito, maging ang PNP-IAS o Philippine National Police Internal Affairs Service ay pumasok na rin sa imbestigasyon ng kaso ng magkaibigang si Arnaiz at De Guzman.
Ayon kay IAS Intelligence and Investigation Division Chief Atty. Michael Darwin Bayotas, nagsasagawa na sila ng profiling sa taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ni Arnaiz.
Sinisimulan na rin ng IAS na i-compile ang lahat ng dokumento kaugnay sa isinagawang police operation, pangangalap ng testimonial evidence at paghahanap ng mga posibleng saksi.
AR/ DWIZ 882