Pinakilos na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation upang silipin ang lahat ng alegasyon ng gambling operator na si Charlie “Atong” Ang laban kay Secretary Vitaliano Aguirre at iba pa.
Sa Department Order 267 na pirmado mismo ni Aguirre, binigyan nito ng kapangyarihan ang N.B.I. na alamin ang katotohanan sa likod ng mga paratang ni ang kabilang na ang umano’y death threat sa buhay nito.
Una nang inakusahan ni ang na nakatatanggap siya ng mga death threat mula kay Aguirre, National Security Adviser Hermogenes Esperon at ilan pang heneral ng militar.
Ito’y dahil sa patuloy na operasyon ng numbers game na virtual jai-alai ng Meridien Vista Gaming Corporation – kung saan consultant at general manager si Ang.
Inakusahan ng gambling operator ang kalihim at ang kapatid nitong si Ogie Aguirre na umano’y may control sa operasyon ng small town lottery mula Batangas hanggang Bicol.
Hiniling naman ni Aguirre sa B.I.R. na silipin ang posibilidad na may nagawang paglabag sa Internal Revenue Code of 1997 o Tax Evasion si Ang.
By: Drew Nacino / Bert Mozo