Pinakilos na ng Department of Justice o DOJ ang NBI o National Bureau of Investigation na makipag-ugnayan sa Interpol o International Police organization para sa pag-aresto kay retired policeman Arturo Lascañas.
Inutusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si NBI Director Dante Gierran na kumuha ng mga impormasyon sa kinaroroonan ni Lascañas at makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa agarang pagdampot sa dating pulis.
June 5 nang magpalabas ng arrest warrant si Davao City RTC Judge Retrina Fuentes laban kay Lascañas dahil sa mga kasong frustrated murder at murder kaugnay sa tangkang pagpaslang sa broadcast journalist na si Jun Pala noong 2002 at 2003 at pagpatay dito noong September 6, 2003.
Si Lascañas ay una nang lumabas ng bansa at nagtungo ng Singapore noong April 8.