Pinakilos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI o National Bureau of Investigation para imbestigahan ang massacre sa pamilya Carlos sa San Jose del Monte, Bulacan.
Inutusan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na isumite mismo sa kanyang tanggapan ang update sa imbestigasyon ng nasabing insidente.
Una nang naaresto ng mga awtoridad si Carmelino Miling Ibañez na umamin sa krimen bagamat may dalawa pa na alias Tony at Inggo na tinaguriang persons of interest sa naturang kaso.
Drug test results
Naniniwala ang PAO o Public Attorney’s Office na hindi makaapekto sa kaso ng pangunahing suspek sa San Jose City Bulacan massacre na si Carmelino Ibañez ang pag-negatibo nito sa drug tests.
Ito ay ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta, ay dahil una nang umamin si Ibañez sa pagpatay sa limang (5) miyembro ng pamilya Carlos.
Paliwanag pa ni Acosta, posible talagang maging negatibo ang resulta ng drug tests kung konti lamang ang ginamit o hinihit na shabu ni Ibañez.
Dagdag pa ni Acosta, nakadagdag sa pagiging bayolente ng mga suspek ay ang pagsabay ng pag-inom ng alak sa paggamit ng iigal na droga.
“Kahit nag-negative sa drugs hindi ibig sabihin ay hindi na siya ang gumawa niyan, may pag-amin na siya nung una pa man, nagpa-video pa siya sa harap ng kanyang mga kamag-anak nay un ang kanilang ginawa, nag-inuman, naghithit at nagawa nila ang malagim krimen, na trip lang nila yan, sa bawat krimen na nangyayari, una umaamin tapos nagbabago ang isip, normal yan sa mga akusado, dahil natatakot dahil makukulong pala sila ng habang-buhay dahil sa kanilang pag-amin.” Paliwanag ni Acosta
Kasalukuyan, ang PAO ay tumutulong kay Dexter Carlos, asawa at ama ng pamilyang minasaker sa San Jose del Monte City Bulacan.
By Judith Larino | with report from Bert Mozo | Balitang Todong Lakas (Interview)
NBI pumasok na sa kaso ng Bulacan massacre was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882