Nakatakdang isumite sa Miyerkules, December 9 ng National Bureau of Investigation ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa Oplan TALABA, kaugnay sa Tanim-bala controversy sa Ninoy Aquino International Airport.
Sinabi ni Justice Undersecretary Emmanuel Caparas, masasagot na ng NBI kung may sindikato nga ba o wala sa pagtatanim umano ng bala sa mga biyahero sa NAIA.
Nakatawag ng pansin sa international community ang tanim –bala dahil sa sunod sunod na insidente ng nahuhulihan ng bala sa naia na naging dahilan para magmukhang “paranoid” ang ilang pasahero sa takot na mabiktima.
Sa kasagsagan ng imbestigasyon ay sinubok ng NBI ang ilang naia personnel sa pamamagitan ng paglalagay ng bala sa dalang bag ng ilang NBI agents at walang kahirap-hirap umano itong naipasok sa loob ng paliparan.
By: Aileen Taliping (patrol 23)