Tinatapos na ng NBI o National Bureau of Investigation ang report nito kaugnay sa pagkakapaslang kay Kian Loyd Delos Santos.
Ipinabatid ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos makausap si NBI Director Dante Gierran.
Sinabi ni Aguirre na ipinaalala niya sa NBI ang bilin ng Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang imbestigasyon na inaasahang matatapos na ng ahensya ngayong linggo.
Magugunitang kinasuhan na ng mga magulang ni Kian ng murder at paglabag sa anti torture law ang tatlong pulis Caloocan na isinasangkot sa nasabing krimen.
By Judith Larino
SMW: RPE