Naisumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang resulta ng imbestigasyon nito kaugnay sa tanim laglag bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ipinabatid ito ni DOJ Spokesman Undersecretary Emmanuel Caparas na hiniling sa publiko na bigyan ng pagkakataon si DOJ Secretary Benjamin Caguioa na repasuhin ang nasabing investigation result.
Inaasahang bukas, Huwebes magpapalabas ng pahayag ang DOJ hinggil sa nasabing NBI report.
By Judith Larino